<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1840460731069578055?origin\x3dhttp://frustratedwriterako.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Baby, don't say goodbye.

So you wanna know, eh?
ANNA is the name.
Falling in love is the game.
Hope you do like your stay.
Leave a comment, by the way. :>



Okay, ang trying hard ko magrhyme! Haha! Thanks for dropping by.
Do leave me some love on the FORMSPRING I provided. :)
Masyado kong mahal ang pagbblog so I decided to fix this old thing.
Since I moved to Multiply, hindi ko na 'to nabuksan eh.
Pardon me, under construction pa talaga but do enjoy. :)

Drop me a line or two .
AHOY~
   
   
 
Be it a question or just a simple hello! It will definitely make my day. I'll post my replies in my blog. :)
 
 
Form View Counter

FormSpring Online FormsFormSpring Online Forms


Links and Credits .
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons

My TUMBLR lovesss. My MULTIPLY site. My FACEBOOK profile. My FRIENDSTER profile. My TWEETS. My PLURKS.
Archives:
July 2009 August 2009 September 2009

Wednesday, July 29, 2009 { 1:29 AM }

Ang sipag kong magblog.
Kahit wala namang point ang mga sinasabe ko.
Diba?
WAHAHAHAHA.

Walang magawa nung isang gabi kaya lumabas nanaman ang pagka-emo ni Anna. Di tungkol sakin yan, asa naman kayong emo ako. Sa saya kong to? AS IF. :))))) Nais ko lang ibahin ang style ng pagbblog ko. Kung dati, malabo ako magkwento, ngayon, mas malabo na.

Tas alam niyo ba, hindi ko gets kung bakit NEW AND IMPROVED ang mga bagay na tinitinda sa mga tindahan. NEW na nga, IMPROVED PA. Ang labo. :| Improved nga eh, hindi na bago yun. MAS EFFICIENT lang. Diba? O ako lang talaga yung malabo ang pag-iisip? Kung sino man ang makakapag explain sakin niyan, pagpapalain ng Panginoon. :D

EH FEELING KO POET AKO EH. Minsan na nga lang ako gumawa ng ganito, bulok pa no?
Nga pala, natutuwa ako kay Peter Pan. :D ang galing kasi ng character niya eh. Pero dahil off topic si Peter Pan, dun ko nalang siya isisingit sa susunod kong blog. :)

Naalala ko nanaman yung movie na Hercules sa Disney Channel. Narinig niyo na ba yung kanta ni Meg? Yung may..

"If there's a price for rotten judgment
I guess I've already won that
No man is worth the aggravation
That's ancient history, been there, done that"

Wala lang, natutuwa lang ako. Kasi paulit ulit lang nila pinapalabas yung Hercules. :P Ayaw magsawa nung mga loko. Wala bang SCHOOL OF LIFE dyan? Sana yun na sunod na ipalabas nila. :D Mas maganda yun. Anways.. off topic nanaman tayo.


Wala pa 'tong title. Pero iisip ako..


ALAM KO NA!


KUMUKUTIKUTITAP.
*bow*

She was heart broken and everyone could tell.
But she kept it inside, she wanted to yell.
The tears, the lies, it all came crashing down,
Her beautiful smile turned into a frown.

Swearing never to fall again, she gave up on love,
closed her heart, she wished to be numb.
She'll die bitter, everyone guessed,
No one could save her, she loves her distress.

Yet a gentle knock on her heart was all it took.
He came like lightning and read her like an open book.
Everyday she'd pray for him to go away,
But he promised to love her and forever stay.

Little by little, she started to trust.
Her heart was awakened, it didn't turn to rust.
Feeling true love, once again she's free,
and now you know a little more about me.


Ang bulok ko talaga mag English. Rhyme na nga lang, ang simple pa ng mga ginamit ko. :)) Sadyang mahina lang akong umisip ng mga ganung bagay.. ganun talaga pag nahuhumaling kay Peter Pan. :D I would just like to repeat na hindi related sakin yang poem (kung poem na ang tawag niyo dyan).


Sabi nga ni Hades sa Hercules na movie sa Disney Channel:

"My favorite part of the game.. sudden death."

Hanapin niyo nalang yung connection ah?
HAHAHA. Kakaen na ko. Bahala na kayo. :D
Salamat sa pagbasa, magcomment ka na. Sayang ang pagbisita.
~Leave a mark everywhere you go, ika nga ni Anna.~



Thursday, July 16, 2009 { 5:08 AM }



Bago ako matulog, gusto ko lang i-share ang panaginip ko kaninang umaga.
Dapat kasi kaning umaga ko pa toh nablog, kaso may LQ ang internet at laptop sa bahay kaya no choice ako. :D

Umulan pa kaninang umaga! Pahirapan tuloy pumasok sa UST. Dapat talaga nagdala ako ng portable bangka at sagwan. Tapos lahat ng makikiboat ride, sisingilin ko ng mahal. Bwahaha.

O game, para makatulog na ko at makapag review sa quiz bukas sa Eco. :|
MATH yun, pare. M A T H.

Nasa panaginip ko sina...
Dominic Ochoa - kilala niyo siya bilang isang pari sa May Bukas Pa
Mico at Lean - kaklase ko ngayon sa UST
Pauch - taga OLSHS
Da Who - isa pang taga OLSHS na hindi ko matandaan kung sino
Nikka at Amores - kaklase ko dati sa OLSHS
*ang labo ng casting sa panaginip ko. :))*

Kung nagmamadali ka pero gusto mong malaman ang laman ng panaginip ko, eto short version: Naligaw ako papuntang Tayuman dahil may higanteng UST sa daan. Pumasok ako sa 7/11 na ang pangalan ay Reth at umattend ako sa kasal ng di ko naman kaanu-ano.

Okay na? O tsupi.

Para sa mga nagmamahal sakin at gustong basahin nang buo ang kalokohan ko..

Edi ganito daw yung nangyari:
Naglalakad ako pauwi galing UST at napadaan ako sa isang malaking field. May tinatayong airport sa field na yun.. AIRPORT NG UST. :)) Odiba?! Wahaha. Kasi may nakalagay "University of Sto. Tomas Airlines" dun sa malaking electronic billboard. Ano ba tawag dun sa mga ganung billboard, yung parang sa mga bar na umiilaw pa kasi may neon lights. Basta ganun!

Tapos.. edi naglakad ako. Nakita ko nga yung airport ng UST na ginagawa palang. Biglang dumating si Mico at tinanong kung saan ako pupunta. Sabi ko uuwi na ko at siya naman sa Mercury Drug daw. :D Bigla ulit may lumapit na mga tao tapos nag kodakan sila dun sa airport. WAHAHA. (talagang kinarir yung erport noh) tapos edi nakipiktyur naman ako. Nagdisappear na si Mico nung time na toh eh. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang at may payong akong dala. Odiba, hanggang panaginip, girl scout ako. :))

*Nagising na ko. Pero dahil maaga pa naman at umuulan, natulog ulit ako.*

Lakad. Lakad. Lakad.
Napadpad ako sa isang HOTEL.
Meron daw kasalan at abay ako. Di ko man lang kilala yung ikakasal. Wahaha. Feeling close eh, baket ba. :P Edi nag ayos na ko ng pang-abay tapos niyaya ako ni Pauch na pumunta sa seben eleben dun sa ilalim ng hotel. Oo, may seben eleben sa ilalim ng hotel. WAHAHA.

Pagbaba namin dun, nakita ko si Dominic Ochoa na may kausap na isa pang artistang hindi naman sikat kaya hindi ko na pinansin kung sino. Ansama eh no. ;) Nakita ako ni Doms (wow, feeling close kay Dominic Ochoa) na nakatingin sa kanya..

Bigla ba naman akong inirapan!

Sabi niya dun sa kasama niya pasok na daw sila ng seben eleben dahil may nakatingin sa kanila. THE NERVE. :)) Edi ba ang seben eleben may logo na 7/11.. yung nakalagay sa panaginip ko, RETH ang pangalan ng seben eleben. Pero alam kong seben eleben siya. Labo no? =))

*Nagising nanaman ako. Dahil umuulan pa rin, tulog ulit*

Nagshift yung eksena. Nakasakay ako sa owner na bukas yung likod tapos kasama ko daw si Amores. Tinatanong ko siya kung paano bumalik ng Tayuman. :)) Sabi niya pagtigil ng owner, baba na raw ako. Dumiretso na ko sa terminal ng jeep para sumakay ng papuntang Tayuman. Pero teka..

ANONG KINALAMAN NG TAYUMAAAAN?!

Edi nasa terminal na ko.. linapitan ako ni Da Who para magtanong kung saan ako pupunta. Tinuro niya kung saang jeep ako sasakay tapos bigla ba naman siyang nagdisappear. Bastusan no? WAHAHA. Edi sumakay na ko ng jeep pauwi at nakauwi naman ng maayos.

Ano na kamo ang nangyari sa kasal?
Hmmm...
They lived happily ever after.

Eh dun sa UST airport?
Ang laki nung eroplanong nakita ko sa panaginip ko.
May future ito.
:))

Kay Dominic Ochoa?
Naging stalker nga ako dun sa seben eleben eh. Kasi diba inirapan ako, sinundan ko siya paikot sa seben eleben slash reth. Natakot ata, biglang nag disappear.

Kanino pa ba..
Ay oo! Si Nikka! Anong kinalaman ni Nikka sa panaginip ko?
EH.. hindi ko matandaan.
Yun lang yung part na nakalimutan ko.
Basta alam kong nandun siya.
:D

THE END!
Whew. Hindi naman kasi ako mahilig matulog. Hinding hindi.
Ang lamig pa naman kaninang umaga dahil sa ulan, sarap tuloy matulog.
Di pa ko nakasama sa UAAP kanina, ininggit pa ko ni Julia.
HENIWEYS.. nakakabanas yung quiz sa Theo kanina. Madali lang siya pero ang dami lang kasing terms and conditions. Nyaks. Wahaha. Terms and definitions pala yun. :)

At dahil inaantok na ko at wala ka namang pakelam kung anong sinulat ko ngayong gabi, tutulog na ko.
Good night! Salamat sa pagbasa. Mag-iwan ka nalang ng piso sa comment box.

Oo, di ko kilala yung batang nasa picture dun sa taas.
Trip ko lang siya ilagay. :)
Cute naman daw sabi nung lola niya eh. :P

Kanina pa inaantok,
Anna.


Friday, July 10, 2009 { 7:06 PM }

I made this for my COOKIES :)
Masyado na kasi siyang obsessed kay ano..
Natatawa ko kasi Tagalog yung ginamit ko..
Pers time ko gumawa ng Tagalog poem.

(ehem..)

Si MCDO ay sikat.
Si MCDO ay masaya.
Si MCDO ay walang katulad, naiiba siya.

Ginusto kong kaibiganin, mapalapit at suriin.
Kung bakit ganoon na lamang ang epekto niya sa akin.
Puro ngiti at hindi nagagalit, ewan ko ba kung sinong hindi maaakit..
sa mukha niyang walang kahit anong maskarang nakatakip.

Pero siya'y biglang nagalit at uminit ang kanyang ulo..
Hindi raw siya nakikipagkaibigan sa mga katulad ko.
Ngunit wala namang mawawala kaya hindi ako sumuko.
Ginusto ko siyang makilala ng buong-buo.

At ngayon ako'y iniwan.
Nag-iisa pero hindi nagdaramdam.
Ang babaeng bawat araw kong pinagmasdan,
ngayo'y tuluyan nang lilisan.

Ayokong bumitaw ngunit kinailangan niyang umalis.
Alam ko namang hindi siya magpapapigil.
Pinangako niya sa aking makakahanap ako ng iba,
hindi siguro niya naisip na nakita ko na at hindi naman ako maghahanap pa.


*bow*

O ano say niyo?
Ang gulo noh?
WAHAHA.