<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1840460731069578055?origin\x3dhttp://frustratedwriterako.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Baby, don't say goodbye.

So you wanna know, eh?
ANNA is the name.
Falling in love is the game.
Hope you do like your stay.
Leave a comment, by the way. :>



Okay, ang trying hard ko magrhyme! Haha! Thanks for dropping by.
Do leave me some love on the FORMSPRING I provided. :)
Masyado kong mahal ang pagbblog so I decided to fix this old thing.
Since I moved to Multiply, hindi ko na 'to nabuksan eh.
Pardon me, under construction pa talaga but do enjoy. :)

Drop me a line or two .
AHOY~
   
   
 
Be it a question or just a simple hello! It will definitely make my day. I'll post my replies in my blog. :)
 
 
Form View Counter

FormSpring Online FormsFormSpring Online Forms


Links and Credits .
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons

My TUMBLR lovesss. My MULTIPLY site. My FACEBOOK profile. My FRIENDSTER profile. My TWEETS. My PLURKS.
Archives:
July 2009 August 2009 September 2009

Thursday, July 16, 2009 { 5:08 AM }



Bago ako matulog, gusto ko lang i-share ang panaginip ko kaninang umaga.
Dapat kasi kaning umaga ko pa toh nablog, kaso may LQ ang internet at laptop sa bahay kaya no choice ako. :D

Umulan pa kaninang umaga! Pahirapan tuloy pumasok sa UST. Dapat talaga nagdala ako ng portable bangka at sagwan. Tapos lahat ng makikiboat ride, sisingilin ko ng mahal. Bwahaha.

O game, para makatulog na ko at makapag review sa quiz bukas sa Eco. :|
MATH yun, pare. M A T H.

Nasa panaginip ko sina...
Dominic Ochoa - kilala niyo siya bilang isang pari sa May Bukas Pa
Mico at Lean - kaklase ko ngayon sa UST
Pauch - taga OLSHS
Da Who - isa pang taga OLSHS na hindi ko matandaan kung sino
Nikka at Amores - kaklase ko dati sa OLSHS
*ang labo ng casting sa panaginip ko. :))*

Kung nagmamadali ka pero gusto mong malaman ang laman ng panaginip ko, eto short version: Naligaw ako papuntang Tayuman dahil may higanteng UST sa daan. Pumasok ako sa 7/11 na ang pangalan ay Reth at umattend ako sa kasal ng di ko naman kaanu-ano.

Okay na? O tsupi.

Para sa mga nagmamahal sakin at gustong basahin nang buo ang kalokohan ko..

Edi ganito daw yung nangyari:
Naglalakad ako pauwi galing UST at napadaan ako sa isang malaking field. May tinatayong airport sa field na yun.. AIRPORT NG UST. :)) Odiba?! Wahaha. Kasi may nakalagay "University of Sto. Tomas Airlines" dun sa malaking electronic billboard. Ano ba tawag dun sa mga ganung billboard, yung parang sa mga bar na umiilaw pa kasi may neon lights. Basta ganun!

Tapos.. edi naglakad ako. Nakita ko nga yung airport ng UST na ginagawa palang. Biglang dumating si Mico at tinanong kung saan ako pupunta. Sabi ko uuwi na ko at siya naman sa Mercury Drug daw. :D Bigla ulit may lumapit na mga tao tapos nag kodakan sila dun sa airport. WAHAHA. (talagang kinarir yung erport noh) tapos edi nakipiktyur naman ako. Nagdisappear na si Mico nung time na toh eh. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Buti nalang at may payong akong dala. Odiba, hanggang panaginip, girl scout ako. :))

*Nagising na ko. Pero dahil maaga pa naman at umuulan, natulog ulit ako.*

Lakad. Lakad. Lakad.
Napadpad ako sa isang HOTEL.
Meron daw kasalan at abay ako. Di ko man lang kilala yung ikakasal. Wahaha. Feeling close eh, baket ba. :P Edi nag ayos na ko ng pang-abay tapos niyaya ako ni Pauch na pumunta sa seben eleben dun sa ilalim ng hotel. Oo, may seben eleben sa ilalim ng hotel. WAHAHA.

Pagbaba namin dun, nakita ko si Dominic Ochoa na may kausap na isa pang artistang hindi naman sikat kaya hindi ko na pinansin kung sino. Ansama eh no. ;) Nakita ako ni Doms (wow, feeling close kay Dominic Ochoa) na nakatingin sa kanya..

Bigla ba naman akong inirapan!

Sabi niya dun sa kasama niya pasok na daw sila ng seben eleben dahil may nakatingin sa kanila. THE NERVE. :)) Edi ba ang seben eleben may logo na 7/11.. yung nakalagay sa panaginip ko, RETH ang pangalan ng seben eleben. Pero alam kong seben eleben siya. Labo no? =))

*Nagising nanaman ako. Dahil umuulan pa rin, tulog ulit*

Nagshift yung eksena. Nakasakay ako sa owner na bukas yung likod tapos kasama ko daw si Amores. Tinatanong ko siya kung paano bumalik ng Tayuman. :)) Sabi niya pagtigil ng owner, baba na raw ako. Dumiretso na ko sa terminal ng jeep para sumakay ng papuntang Tayuman. Pero teka..

ANONG KINALAMAN NG TAYUMAAAAN?!

Edi nasa terminal na ko.. linapitan ako ni Da Who para magtanong kung saan ako pupunta. Tinuro niya kung saang jeep ako sasakay tapos bigla ba naman siyang nagdisappear. Bastusan no? WAHAHA. Edi sumakay na ko ng jeep pauwi at nakauwi naman ng maayos.

Ano na kamo ang nangyari sa kasal?
Hmmm...
They lived happily ever after.

Eh dun sa UST airport?
Ang laki nung eroplanong nakita ko sa panaginip ko.
May future ito.
:))

Kay Dominic Ochoa?
Naging stalker nga ako dun sa seben eleben eh. Kasi diba inirapan ako, sinundan ko siya paikot sa seben eleben slash reth. Natakot ata, biglang nag disappear.

Kanino pa ba..
Ay oo! Si Nikka! Anong kinalaman ni Nikka sa panaginip ko?
EH.. hindi ko matandaan.
Yun lang yung part na nakalimutan ko.
Basta alam kong nandun siya.
:D

THE END!
Whew. Hindi naman kasi ako mahilig matulog. Hinding hindi.
Ang lamig pa naman kaninang umaga dahil sa ulan, sarap tuloy matulog.
Di pa ko nakasama sa UAAP kanina, ininggit pa ko ni Julia.
HENIWEYS.. nakakabanas yung quiz sa Theo kanina. Madali lang siya pero ang dami lang kasing terms and conditions. Nyaks. Wahaha. Terms and definitions pala yun. :)

At dahil inaantok na ko at wala ka namang pakelam kung anong sinulat ko ngayong gabi, tutulog na ko.
Good night! Salamat sa pagbasa. Mag-iwan ka nalang ng piso sa comment box.

Oo, di ko kilala yung batang nasa picture dun sa taas.
Trip ko lang siya ilagay. :)
Cute naman daw sabi nung lola niya eh. :P

Kanina pa inaantok,
Anna.