<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/1840460731069578055?origin\x3dhttp://frustratedwriterako.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script><iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=8076742059755845825&blogName=PIECE+OF+HEAVEN&publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&navbarType=BLUE&layoutType=CLASSIC&homepageUrl=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2F&searchRoot=http%3A%2F%2Flov-ebites.blogspot.com%2Fsearch" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div id="space-for-ie"></div>
Baby, don't say goodbye.

So you wanna know, eh?
ANNA is the name.
Falling in love is the game.
Hope you do like your stay.
Leave a comment, by the way. :>



Okay, ang trying hard ko magrhyme! Haha! Thanks for dropping by.
Do leave me some love on the FORMSPRING I provided. :)
Masyado kong mahal ang pagbblog so I decided to fix this old thing.
Since I moved to Multiply, hindi ko na 'to nabuksan eh.
Pardon me, under construction pa talaga but do enjoy. :)

Drop me a line or two .
AHOY~
   
   
 
Be it a question or just a simple hello! It will definitely make my day. I'll post my replies in my blog. :)
 
 
Form View Counter

FormSpring Online FormsFormSpring Online Forms


Links and Credits .
Designer/ %PURPUR.black-
Colour Code Icons

My TUMBLR lovesss. My MULTIPLY site. My FACEBOOK profile. My FRIENDSTER profile. My TWEETS. My PLURKS.
Archives:
July 2009 August 2009 September 2009

Wednesday, September 30, 2009 { 3:53 AM }

Malapit na magtapos ang first semester and I'm proud to say that

"I SURVIVED!"

As in. Asin.

Bago pa man pumasok sa UST nung first day, inisip ko talaga kung makakatagal ba ko dun. Pakiramdam ko kasi maoout of place lang tsaka laging walang kasama. Alam niyo yun, college jitters. May ganun pang nalalaman eh no. Lungkot ko nalang talaga nung first day, nawawala kasi ako. Nasa corner na ko papunta sa room 215 na room ko talaga dapat. Tas nung tinanaw ko, akala ko room 213 lang. EH KASI NAMAN MUKHANG 213 YUNG 215! Sino ba namang hindi maliligaw? Anyway, baka may sumagot pa sa tanong ko. Let's continue..

Eh kilala ko na si Mico bago pa magpasukan, (nagpost kasi siya sa TeenTalk. HAHA!) tapos alam ko na rin kung ano itsura niya kasi may picture din siya dun. Edi naghihintay ako dun sa labas ng room (yung tapat ng room 211 ata) tapos dumaan si Mico. Tinignan ko talaga eh, takaw tingin. =))

*Tae, oo nga. Naalala ko tuloy. Sorry, Mico.*

Nakita ko siyang pumasok dun sa dulong room na akala ko 213 kaya hindi ko nalang pinansin, baka hindi ko klasmeyt, mahirap na. Tas andami dami nang dumaan, pumasok, tumakbo, naglakad sa buwan, nag sight seeing, at nagtanong. May nakilala pa ko, pero hindi ko na matandaan yung mukha at pangalan niya. I didn't bother.. kasi sa loob loob ko nagdadasal pa ko na sana makita ko na yung room 215. :))


Sabi nga nila, if all else fails... yada yada yada. Edi sinubukan ko na nga tignan yung huling room dun sa dulo ng hallway. Muntik ko na mabatukan sarili ko kasi ang laki laki nung nakasulat sa taas... ROOM 215! (Syempre, ayoko saktan sarili ko, child abuse yon)


HAAAAAAAAAAY LORD. SALAMAT!

Pagpasok ko, ang taray nung prof. Naalala ko pa yung tingin sakin ni Ma'am *insert her name here nalang kasi nakalimutan ko na*. Nanlambot talaga ko. :P Pagtapos makipag areglo, umupo na ko sa pinakaunang upuan na nakita kong bakante. Gusto ko sana sa likod, o kaya sa may bandang gitna kaso no choice. Ganun talaga pag late. As for me, 30 minutes late sa first day. :P

Yung katabi ko sa left side, mukhang tahimik. Yung sa right naman, nakakatakot. Pangalan ko pa ba? =)) Ang awkward nga nung una eh. Kasi hindi ako makagalaw. I mean, hindi ko sila makausap. Napapanis na laway ko. Buti kinausap ako ni SEPH. Ayun tuloy, nahawa ko sa kabaliwan niya. Si CJ kasi nung una akala namin mataray eh. Nagtuturuan pa kami ni Seph kung sino unang kakausap kay CJ nun kasi nakakatakot talaga siya. Hahaha! :D Pero hindi naman, she's cool. Ang kulit lang din eh. :D

Tas ayun na, dami na nakausap. Puro introductions tsaka maliliit na topics na hindi mo alam kung kaya lang tinanong eh para may mapag-usapan. :D Syempre nagpapakiramdaman pa ang lahat. Baka mamaya may biglang manaksak eh. (Ay, ako lang pala yun). Nagkakilala na rin kami nina Bea, Mico, at Sam. (Wow special mention sila :P Kaway naman dyan!)

Bago pa kasi magpasukan, naghahanap na ko ng future blockmates. Si Bea nakilala ko sa... uhh.. pano nga ba Bea? :)) Binigay ata sakin ni Neslene yung ym ni Bea at yung multiply niya. Hindi ko nalang matandaan kung sino yung unang nagsalita samin. =)) It didn't matter nung mga oras na yun, may kakilala na ko eh! Tas si Sam tsaka si Mico, nakita ko yung posts nila sa TeenTalk. Nagdalawang isip pa kami ni Bea kung kakausapin namin si Mico kasi yung username niya pambabae at akala namin may girlfriend siya (syemps, baka kung ano isipin ng gerl pren niya eh) yun pala wala na, bitter lang talaga si Mico. HAHA! Tas si Sam akala ko nung una babae. Ang emo naman kasi ng username niya dun =)). Ayan, naalala ko pa kung pano ko sila nakilala. Desperadong makahanap ng future classmates eh. :>

Mahabang storya pa kung ikkwento ko kung paano ko KAYO nakilala isa-isa. Papatayin ko na yung blog ko kung gagawin ko yun. Kaya magpapasalamat nalang ako. Wala kang masasandalang malamig na balikat sa 1CA4. Bawat araw na kasama mo sila, masaya. Saan man magpunta, sama-sama. Uuyy, cheesy na! Sos, parang kayo di cheesy no. :)) Ayun, madami atang mawawala next year. Sige lang.. ganyanan pala. HAHA! Joke. Suportado kayo no.

HALA! Nagiging cheesy na yung blog ko. Baka dagain. Toinks! Ang korni ko nanaman. Epekto ba talaga nina Chinny at Rosh toh? (Hi guys!) :)) Ang susunod ko kasing blog eh yung mga memorable na banat ng mga prof natin. Although karamihan eh galing kay Sir Rey, sulit pa rin naman yung iba. Di pa ba tayo nasanay kay Sir. :D

Dito nalang muna. Di pa ko kumakain. Mag blog nalang ulit ako bukas o kaya kung kelan sipagin ulit. Edit ko nalang 'to pag may idadagdag ako. COMMENTS~


Tuesday, September 22, 2009 { 9:19 PM }

Kapag ngumiti ka na ng konti,
nag-ayos ng konti, pagkakamalan ka nang malandi.
Hindi pangseryosohang relasyon.

Marinig lang nila na malakas kang mag-salita,
palengkera ka na.
T.O. kaagad sa kanila iyon.

Mahilig silang tumingin sa mga babaeng sexy manamit,
kulang nalang makita na kaluluwa.
Pero kapag babaeng seryosohin at gustong ligawan
dapat disente,
dapat mala-anghel ang mukha,
dapat mukhang inosente.
Tapos kami pa raw ang mahilig mamili?
Parang baliktad yata?

Ok, ayan nanliligaw na si lalake.

Dapat pakipot ka para suyuin ka, para habulin ka pa lalo.
Kapag hindi ka naman nagpakipot.. "easy to get" naman ang tingin sa iyo.
Hindi ka na seseryosohin.
Teka! Sino bang may sabing magpaalila kayo,
di naman namin hawak ang buhay niyo.

Natural lang na magtiis kayo, may gusto kayo sa amin eh.
Kapag nakuha niyo na iyon wala na lahat ng mga paghihirap niyo,
babaliktad na ang sitwasyon, kami naman ang mamromroblema.
Para lang kayong may gustong bilhin na bagay.
Upang mabili ito kailangan munang magsakripisyo, magtipid, magtiis.
Pag nabili na at mapagsawaan wala na, balewala na. Diyan ka na sa tabi-tabi.

"Tawagan nalang kita pag trip ko o kaya'y pag may gusto akong ipagawa sa iyo"

Ano pa ba? E di sinagot mo na diba. Utang na loob pa natin yun.
Dahil naghirap daw sila sa panliligaw dapat masuklian natin iyon ng higit pa.
Sa umpisa kailangan malambing ka, maayos at laging magsisilbi sa kanya.
Ayaw daw nilang humawak ng relasyon, pero kapag ikaw naman ang nagmando,
Aba! Masasakal naman.

Sasabihin pa sa iyo:
"Demanding ka."
HAHA :))

Meron ka pang maririnig na:
"I think we need space.",

..........at kung anu-ano pang ek-ek.

Sino rin may sabing di dapat kami magpakabait,
maging devoted at faithful?

Kapag kami ang sumaway niyang mga iyan, iba na ang tingin sa amin.
Malandi na kami, haliparot, pakawala, makikay at kung anu-ano pang mga bansag ang itatawag sa amin.

Kapag kayo gumawa noon, ok lang.
Lalake kayo eh, macho kayo pag ginawa niyo yon.
Kaya kami, walang magawa. Magpapakaburo at magpapakamadre nalang.

Kapag nagloko na kayo ano pa bang magagawa namin?
Eh di iiyak nalang. Wala namang ibang magagawa eh.

Tungkol naman sa tinatawag niyong pagdedemand namin.

Hindi kami nagdedemand! Karapatan lang namin iyon.
Karapatan namin na lambingin niyo kami, icheck at ipakita sa amin na mahal niyo kami.
Ha. Ha. Ha. :))

Hindi rin ibig sabihin na mas sincere kayo sa amin.

Seryoso rin naman kami ah. At ang maturity wala yan sa edad.
Mas maaga nga kaming magmature sa inyo.
Ang isang 19 year old na lalake eh, isip 15 pa yun. It follows iyan sa lahat ng age group.
Mas mataas pa kung minsan ang pagbawas ng level of maturity.
Kayo na ang mag-math!

Pati yung pag-iyak namin pinupuntirya niyo!

Kesyo drama daw. Diba kapag umiyak ka nagbuhos ka ng emosyon diyan.
Ano tingin niyo sa amin mga artista?!

Alam niyo iyon? Yun bang kulang nalang ay lumuha ka na ng dugo,
pero hindi ka pa rin papansinin.
Sasabihan ka pang tigilan na ang pagdradrama.
Hindi nila kami maiintindihan kapag nagseselos kami.

Bakit naman kami magseselos kung wala kaming nakikita?
Mas iba kaming magmahal. Mas masarap..


Kapag natapos na ang lambingan,
eh di siyempre iwanan blues na.
Kami pa raw ang nagsawa, kami pa raw ang nagtritrip lang.
Sino ba ang lumalayas kapag may nakita nang bago,
sino ba ang mayabang,
sino ba ang nagmamalaki?
Kami ba? Kami ang walang choice...

Kasi ang babae pag sinabing "break na tayo.."
Lambingin lang iyan ng konti balikan blues na iyan.
Kapag ang lalake ang umayaw, pucha, bahala ka diyan.
Kahit mag-tambling ka pa sa harap niya. Wa-epek.
Umiyak ka ng bato.Wa-epek.
Tsk, tsk, tsk. Tapos sila pa raw ang kawawa?

Post-break up.

Mahal pa ng babae si lalaki.
Sasamantalahin ni lalaki. Magpapagawa ng kung anu-ano.
Naaalala ka lang kapag may kailangan sa iyo.


Kapag pumangit ka after the break up, magpapasalamat sila na iniwan ka nila.
Kapag gumanda ka naman, ipagkakalat nila sa buong sangkatauhan na naging girlfriend ka niya.
Sala sa init sala sa lamig talaga.


Ano ba namang buhay to?
Ang hirap ding maging babae ano. Kala nila laging sila nalang.
Lagi rin kaming naiiwan sa ere.
Dalawa ang parte ng kwento,
isa sa akin, isa sa iyo. Wag mong paikutin sa mundo mo.
~~~~~~~~~~~~~
Grabbed and edited from http://bessietut.multiply.com/ (Beaaa
)
~~~~~~~~~~~~~

Natuwa naman ako dito masyado. Walang intensyong magpatama sa iba, nakakatuwa lang kasi na may nakakapansin din pala. :)) Masyadong tagalog noh? HAHA! Nakakatuwa talaga. :D

Ayun, nakakaguilty sumakay sa mga jeep/bus/tricycle/fx na nagbubuga ng usok na mas maitim pa sa buhok ko. Parang nung seminar lang tungkol sa renewable energy. Lahat tayo hindi pabor sa mga jeep na patuloy na nagbubuga ng maiitim na usok PERO wala namang umaaksyon para masolyusonan yung problema. May nagtext ba sa mga kinauukulan? Madaming programa dyan, kesyo magtext ng sumbong sa ganitong number, kesyo itawag, kesyo palaman sa tinapay. Pero ilan nga lang ba sa atin ang talagang kumikilos?

AYUN.. SHARE KO LANG. HAHAHAHAHAHA.

Bukas pupunta kami sa Bilibid.. yung medium lang naman. Hindi large. Parang gulp lang eh noh. :)) Tapos may activities kami na gagawin, bonding with the inmates ng prison, tsaka siguro kung may pera at hindi ramdam ang krisis, mamimili ng mga binebenta dun. :D :D Wala pa nga akong nakahandang questions na itatanong sa makaka-pair kong inmate eh. Gusto ko sanang maenjoy yung experience kaso nahihiya naman ako. (WOW, MAY GANUN AKO? SAN BANDA? HAHA!)

Tas ayun, bigla akong tinamad magblog kasi iCarly na! :D :D


Friday, September 4, 2009 { 8:07 PM }


Bibilisan ko na 'toh.
Nagugutom na ko eh. >:)
May bagong poem nanaman ako, and as usual, wala nanamang title.
Comments are appreciated. Pati yung mga "napadaan lang po, comment back!" na mga hirit, okay lang. HAHAHA.

So the poem goes like this:

You left me hoping
for a tomorrow that will never come.
I was left holding
onto a love that was already gone.
Promises really don't last forever,
Love letters never do too..
You only mean it when you're together,
then it vanishes when you're through.
Love is life's greatest trick.
It's an illusion of the eye.
You can lose it in a wink,
and regret it 'til you die.
Change is real,
Time is fleeting.
When moments become memories,
are the still worth believing?
Is it destiny or is it fate,
you could never tell.
Happily ever after is late,
Will your story ever end well?

---

O diba, ang bilis lang ng blog ko.
Gutom na talaga ko pero wala namang makain dito.
HAHAHA~
Manonood nalang nga ako ng 17 Again. :D
Salamat sa pagbasa.
Magcomment ka!